Girl extraordinaire ![]() Don't you worry, don't you worry child, see heaven's got a plan for you. Navigation! CREDITS
| KTFI Ep9
Helena: Paano nga pala kayo nagka-kilala ni Anne?
Julian: Ka-trabaho ko siya.
Helena: Tapos?
Julian: Anong tapos?
Helena: Paano mo siya niligawan?
Julian: Lumabas. Sine. Nag-usap. Mas nakilala ang isa't isa. Yun.
Helena: Bakit hindi mo siya pinaghandaan ng panyo gaya...
Julian: Gaya ng?
Helena: Wala. So bakit nga?
Julian: Si Anne? Iba kasi siya. Siya yung tipo ng babae na hindi abala sa pagtingin kung anong dala ko, kundi kung anong dala niya. Yung tipong hindi nag-aantay ng banat ko kasi mas madami siyang hirit kaysa sa akin. Siya yung tipong hindi mapaghanap ng plano dahil kahit ang mga biglaan para sa kanya ay plantsado.
Helena: (Ngumiti) Naks. E ano bang nagustuhan mo sa kanya?
Julian: Tipikal na sagot. Maganda. Matalino. Mabait. At nagkakasundo kami sa mga bagay bagay. Masarap siyang kausap pero malambing ding kasama.
Helena: Masaya ako para sayo.
Huminto si Julian nang aktong patawid na sila patungo sa sakayan ng taxi.
Julian: Bakit ka masaya para sa akin?
Helena: Dahil nakatagpo ka ng babaeng magpapasaya sayo.
Julian: (Ngumiti ng mapang-asar) Sincere ba yan?
Helena: Oo naman.
Pero nang muling humakbang ang binata, naiwan ang dalagang nakatayo.
Helena: Pero masakit din pala.
Julian: Ang alin?
Helena: Ang makita kang masaya sa iba.
Julian: Bakit? Matagal na namang natapos yung sa atin noon.
Helena: Siguro nga. Ako lang talaga ang parang timang na bumalik.
Julian: Bakit ba pakiramdam ko, ikaw pa yung parang dehado?
Helena: Hindi ba?
Julian: Hindi naman ako yung umalis. Hindi naman ako yung sumuko. Hindi naman ako yung biglang nawala. Ako yung naiwang nag-aabang sa kapiranggot na pag-asang magiging tayo parin sa huli. Ako yung naglakas-loob na lumaban sa statistics ayon sa mga nabigong pag-ibig dahil sa distansya. Ako yung nanatiling praning ng ilang taon dahil ayaw mamatay nung pagmamahal ko sayo. Ngayon, hindi naman siguro kalabisan ang sabihing patas lang tayo o mas lugi ako.
Helena: (Namumulang mga mata) Nasabi ko naman na ang dahilan at alam kong walang madramang linya ang magtatama ng mga mali. Pero sinubukan ko namang bumalik, kaso wala kana.
Julian: Hindi ako nawala. Iniwan mo ako. Nang walang paliwanag. Kasalanan ko ba kung makatagpo ako ng taong magbibigay sa akin ng panibagong dahilan para umayos? Iniwan mo ako. Nang ganun-ganun lang. Kasalanan ko ba kung makahanap ako ng taong magpaparamdam muli sa akin na mahalaga ako? Iniwan mo ako. Pero kahit papaano, may nakapulot at nagpagpag sa akin. Kasalanan ko ba yun?
Helena: Handa naman akong akuin ang lahat ng sisi. Pero gaya ng sinabi ko, may parte sa akin ang nakakaramdam ng saya, na sakabila ng mga nangyari, naging ok ka. Sana lang, hayaan mo din akong masaktan. Mahal parin kita eh.
Julian: Naging mailap lang siguro ang swerte para sa ating dalawa. Malay mo, mas maganda yung last page ng kwentong ito para sa ating dalawa.
Helena: (Ngumiti) Mahal kita, Julian. Kung ito man ang hulling tagpo, gusto ko lang malaman mo, na walang araw na natapos yun. Sana pagdating ng araw, kapag ok na rin ako, e magkita tayong muli.
Julian: Bakit?
Helena: May bagong bukas na head office ang kumpanya namin sa Cebu. Papunta na ako dun ngayong katapusan ng buwan. Mas makakabuti siguro kung mananatili muna ako doon.
Julian: Aalis ka na naman?
Helena: (Ngumiti) Oo nga eh. Pero sa pagkakataong 'to, mukhang wala nang dahilan para bumalik.
Julian: Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.
Helena: (Iniabot ang isang panyo) Oh.
Julian: Ano 'to?
Helena: Ako naman yung nagdadala ng extrang panyo tuwing aalis ng bahay. Sa kabila kasi ng pagkawala ng communication natin, umasa parin akong isang araw, magkikita tayo. Kaya ayan. Para sayo yan, itago mo. Makabawi man lang ako sa kabaitan at pagiging malambing mo sa akin dati.
Julian: Salamat. Hinding hindi ko ito iwawala.
Helena: (Humawak sa pisngi ng binata) Sana, walang araw na hindi ka maging masaya.
Julian: Ikaw din. Ayokong mawala sa labi mo ang napakagandang ngiti.
KTFI Episode 9 :(
FUUUUUUUUUUUU. Ang sakit lang po. HAHA!
Read the entire series! It started with Full string to stop and continued with Keep ticket for infection.
Here's the link for Episode 9 http://www.facebook.com/notes/akoposijayson/keep-ticket-for-infection-episode-09/304651376288367
Again, i do not own anything here. All credit goes to Akoposijayson :)
|