We aim to please.
Girl extraordinaire



Don't you worry, don't you worry child, see heaven's got a plan for you.

Navigation!

Diaries Owner Linkies

CREDITS

Header and full edited : Munira Hasnim
Edited By: Maiza ;)
Others:   



Akoposijayson excerpt :)


Another genius work of akoposijayson :">


A story of love between Julian and Helena. It has 10 chapters. Long read but definitely worth it :) Here are some excerpts from the story. The one's that definitely left a mark on me. 


Full String To Stop: Episode 9-A



Sabi nila, life is not measured by the number of breaths you take, but by the moments that take your breath away. Wala akong hilig sa mga quote, na tila binaliktad lang at nang-uuto, noon. Pero ngayon, gusto kong kumuha ng marmol at iukit dito na totoo pala ang pamosong linya. Ito pala ang mga eksena sa buhay ng tao, ano man ang asim o pait ng takbo, na nagbibigay halaga sa mga oras, araw at taon ng iyong existence. Wala akong kongkretong depinisyon ng pag-ibig o kaligayan. Ang alam ko lang, importante siya sa akin at masaya ako ngayon. Miski nga ang mga bagay na alam ko e hindi ko din sigurado. Hindi ko maipaliwanag ang saya tuwing nandyan siya at ang hindi nakaka-umay na tamis nitong hatid sa aking labi. Hindi ko alam kung anong gustong gawin ng katawan ko bilang reaksyon. Biglang mawalan ng malay o masuka sa excitement? Walang pagpipilian. Parehong dyahe. At hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari.


Julian: Sa totoo lang din, bago ka pa man nahulog, matagal na akong nakatingala at naghihintay. Dumating man ang tagpong iyon o hindi, may posibilidad man o kasing labo ng tubig kanal na mangyari, walang araw na hindi ako nag-abang, walang araw na hindi ako humiling, walang araw akong hindi nag-asam, na sana, kahit tsamba lang, magkaroon ako ng pagkakataong saluhin ka.


Full String To Stop: Episode 10



Helena: Bakit ako?
Julian: Huh?
Helena: Bakit ako ang nagustuhan mo?
Julian: Hmmm. Para sa magandang lahi ng ating magiging anak?
Helena: (Tumawa) Ano nga?
Julian: Gusto ko kung paano ka maglakad, kung paano ka ngumiti, kung paano gumagalaw ang buhok mo sa tuwing kumikilos ka, na tila slow motion. Gusto ko ang tunog ng tawa mo, ang pagsingkit ng mata mo sa tuwing nasa ilalim ng sikat ng araw, ang pagiging antukin mo sa byahe. At syempre, gusto ko, na gusto mo, na gusto kita.



Helena: Alis na ako.
Julian: Mag-iingat kayo dun ni Gab.
Helena: Hindi man lang tayo nagkita ulit.
Julian: Mas ok na 'to. Para hindi gaanong masakit.
Helena: Maging masaya ka din, please. Gawin mo ito para sakin. Gusto kong maging masaya ka tulad ng kung paano mo ako pinapangiti sa mga pagkakataong magkasama tayo.
Julian: Susubukan ko.
Helena: Hihintayin mo ba ako?
Julian: Kahit ipagsigawan kong "hindi", alam kong alam mo, na maghihintay ako, na lagi kitang hahanapin, lalo na dun sa paborito nating upuan sa loob ng conveniece store. Araw-araw akong pupunta doon, mag-aabang ng ilang oras, kahit pa alam kong imposible na dumating ka.
Helena: (Tila nanginginig ang boses) Ma-mimiss kita.
Julian: Ako din. Sobra.
Helena: Sige na, message kita pag dating namin dun.
Julian: Ok. Ingat ka sa byahe.


Alam ko namang dadating to, pero hindi ko napaghandaan ang buong pwersa ng kalungkutan. Iba pala kapag andito na talaga. Ang sakit. Parang nakaka-praning. Hindi naman ako humiling ng isang perpektong love story, gusto ko lang magkaroon ng isa. Ipinarinig nga sa akin ng tadhana ang melodiya ng pag-ibig, kaso biglang tumalon ang CD sa bandang chorus. Wala akong galit. Wala akong panghihinayang. Wala akong pinagsisisihan. Sana lang, maging masaya ulit ako, gaya ng kasiyahan ko sa kanya. Handa akong maghintay, hanggang sa lumilipad na ang mga kotse o capsule form na ang mga fast food menu. Handa akong maghintay, maramdaman ko lang ulit yun sa piling niya.