Girl extraordinaire ![]() Don't you worry, don't you worry child, see heaven's got a plan for you. Navigation! CREDITS
| Akoposijayson There's this blog i've been reading for the past few weeks and its really amusing to read! :) His witty lines and sayings made me a big fan of him. Here's the URL. Check him out!! :) So i've put up a compilation of my favorite lines from his works.. Again i do not own anything that is written below. All credits goes to Akoposijayson :) Hindi lahat ng bagay na nakahain sa harap mo ay dapat mong kainin. Mas lalo na kung kasalukuyan ka nang ngumunguya sa nauna mong sinubong pagkain. Baka mabulunan ka. Hindi rin sapat na dahilan ang "tao lang ako". Dahil yun mismo ang paliwanag kung bakit dapat kang umiwas. Tao ka. Hindi isang penguin na pwedeng makipag-mate kahit kanino, dahil ipinagtabi kayo ng zoo keeper sa iisang pugad. Kung mahal mo ang isang tao, ang mga pinaka simpleng bagay ay maaari maging ekstraordinaryong pangyayari. Tipong mga kwentuhan niyo bawat gabi bago matulog o panonood ng pelikulang limampung beses mo na na-play. Hindi niyo kailangan mag rock-climbing o lumangoy kasama ng mga pating para mapunan ng excitement ang inyong relasyon.
Lahat ng pangyayari ay may dahilan. Kung sakaling hindi naging kayo ngayon, o taken kana nung muli kayong magkita, maaaring may mas magandang plano ang tadhana para sayo. Wag mong ipilit. Baka lalong umasim. Huwag kang mag-madali. Lahat ng bagay ay may tamang panahon. Wag kang umasta na tila ang buhay ay may mitsa na unti-unting nauubos. Dahil may mga bagay na hindi mo na pwedeng baguhin o palitan kahit pa anong paglulupasay ang gawin mo. Pakiramdaman at mag-isip. Andaming organs ng katawan para isa lang ang gamitin mo at balewalain ang iba.
Huwag kang pumasok sa isang relasyon for the wrong reasons. Para sa bandang huli, hindi ka maipit sa sitwasyon kung saan, gagawa ka ng kagaguhan para lang pumasok panibagong relasyon. Muli, hindi pwedeng itama ng pag-ibig ang isang maling gawain. Kung pwede yun, sana ginawa ng tong alibi ng mga kriminal. "Sinaksak ko po siya, dahil mahal ko ang laman ng dala niyang wallet".
Bukod sa pagtama ng lotto, pagiging sikat na artist or athlete, at pagiging saksi sa natural na kagandahan ng mundo, isa sa pinakamatamis na pangarap ng bawat tao ay matagpuan ang kanilang tunay na pag-ibig at makasama siya hanggang sa pagtanda. Hindi ba't masarap isipin na ang dalagang kahati mo sa popcorn sa mga movie dates noong high school at ang babaeng nagpapahid ng omega pain killer sa nirarayuma mong tuhod, ay iisa?
Kung natagpuan mo na siya, huwag mo nang pakawalan ng dahil sa iyong pagiging engot at angking itchyness. -Ham And Cheat; Ang Makasalanang SandwichKung ako ang tatanungin, mas ok kung pink ang itirik mo. Hindi para maging blooming ang love-life at pagkaguluhan ka ng mga seksing babae o dumugin ng ilan libong manliligaw. Kundi, humiling ka na sana, makatagpo ka ng taong makapagpapabuti ng iyong buhay, as a whole, at siya nang bahala dun sa kahilingan ng iba pang kulay ng kandila.
Hilingin mo na sana, makatagpo ka ng mamahalin na masipag at marunong sa buhay. Upang kahit di ka man mayaman, e magiging ok ang iyong buhay pinansyal. Hindi yung tipong gusto lang e "party-party" o di naman kaya ay sinusukat ang pag-ibig base sa dami ng regalo o laki ng pinapasa mong load sa kanya. Hilingin mo na mahanap ang pag-ibig na handang kumalinga sayo sa oras ng iyong pagiging malakas o sa panahon na positive ka sa leptospirosis, at siyang magbibigay sa'yo ng mga tamang dahilan para ingatan ang sarili, upang mas tumagal ang panahon niyo ng magkasama. At panghuli, hilingin mo na sana, makatagpo ka ng taong mamahalin, na mahal ka din. Huwag mo nang isama sa panalangin ng pag-ibig ang crush mo nung high school pa, na hindi naman alam na ika'y nag-eexist o ang ex mong pinagpalit ka sa isang mayamang matrona. Kasi kung ganun, hindi pag-ibig ang gusto mo, kundi, kapangyarihang mang-hypnotize.
Ang tunay na pagmamahal ay sagot at hindi dagdag na katanungan. Ito ay pupuno at hindi huhukay ng mas malalim pang butas. Ito ay "lahat" at hindi "ito lang". Ito ay dumadating lamang sa mga taong handang mag-bigay nito. Kasi kung hindi, dinamita nalang sindihan mo. -Kandilang "Fenk"Kung may lihim mang reset button ang tadhana at may gung-gong na aksidenteng makakapindot nito, bumalik man ang lahat sa simula, magbago man ang takbo ng mga pangyayari at hindi kami magka-tagpo, sana, makakilala siya ng taong magpapahalaga sa kanya tulad ko o higit pa. Yung hindi siya paiiyakin. Yung hindi sasayangin ang kanyang panahon. Yung mamahalin siya ng sobra. Dahil kung hindi, dudukutin ko mula sa mundo ng mga kathang-isip si Shaider, para maki-angas sa "Time Space Warp, Ngayon din!", hahanapin siya at aabutan ng aking panyo na tinupi ko sa hugis ng isang swan. "Tahan na, andito nako.." -Lab Istori, Ibudbod sa ibabaw ng ispageti. At panghuli, para sakin, cooking for someone is one of the best way to show how you feel. Wag kang magpaloko sa mga pelikula at palabas sa TV, kung saan kelangan mo pang bumili ng mamahaling bulaklak o pumunta sa lugar na pinasikat ng mga lecheng koreanovela, para maging romantic. Subukan mong dumalaw sa bahay ng girlfriend mo at ipagluto sila ng kanyang pamilya. Para naman makilala ka. Upang malaman din nilang malinis ang iyong intesyon at hindi lang basta dalhin ang kanilang anak sa lugar na may logo ng mansanas at ginagamitan ng discount card.
And if someone did cooked for you, learn to appreciate. Sabihin mong masarap at ipakitang ganado ka talaga kumain (kahit pa lasang aparador ang niluto niyang beefsteak). Suklian mo ang ilang oras na effort niya sa kusina. Wag ka lang basta ngumuya at lumunok. Matutong magpasalamat. Hindi lahat ng tao ay maswerteng naipagluluto ng kanilang mahal sa buhay.
Madalas akong ipagluto ng asawa ko, bago siya nagtrabaho abroad. Tipong kahit gabi na ako umuwi e tinitiis niya ang gutom para sabay naming pagsaluhan ang hinanda niyang ulam. And i love her a thousand times more because of that. Lagi kong iniisip kung gaano ako ka-swerte na ibinigay siya sa akin ng tadhana.
Wala nang mas sasarap pa, kaysa sa umuwi ng bahay, kung saan naghihintay ang isang mapagmahal na misis at mangkok ng mainit na tinola. -Ginisang Pag-ibig at Nilagang PagmamahalWomen are probably the greatest gift to men, from God, besides beer and sizzling sisig. At para sakin, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang love life. Sana, walang babaeng heart-broken. Kasi, tayong mga lalake, we’re meant to pursue them and it’s ok if we fail from time to time. It’s the way nature intended it. Gaya ng paghabol ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas ok kung tayo nalang yung masaktan. E sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng “dalaw” at nababaliw kada buwan, nabubuntis at maghihirap ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba naman pasayahin sila at gawing “scar-free” ang kanilang buhay pagibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don’t ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya ok lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi paba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng romantic DNA sa katawan? Malaki man ang populasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulit ng tulad niya. Na magtya-tiyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap paring umuwi sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. -Women, From A Guy Who Loves One |